
“Infinite accessibility is not kindness; it is structural vulnerability. If your gates are always open to everyone, do not wonder why your fields are constantly trampled.” — Lolo Melvyn C.C. Valenzuela
In my years of studying security management, I learned that a perimeter is only as strong as its strictest entry checkpoint. If you let every distraction, unmanaged emergency, and negative voice walk freely into your headspace, you surrender your peace without a fight. Set your boundaries high, air-gap your deep work hours, and lock the gate.
Ang Pasanin ng “Breadwinner” sa Manila
Silipin naman natin ang buhay ng isang tipikal na call center agent o corporate worker sa Makati o BGC na tubong probinsya. Siya ang itinuturing na “pag-asa ng pamilya.” Dahil likas sa kulturang Pilipino ang pagiging matulungin at mapagmahal sa kamag-anak, ginagawa niya ang lahat. Pero unti-unti, ang magandang intensyon ay nagiging structural vulnerability.
Dahil alam ng lahat na “malaki” ang kinikita niya sa Maynila, naging infinitely accessible siya. Tuwing sasapit ang kinsenas, magpapadala ng mensahe ang pinsan dahil pambili ng load, tatawag ang tiyahin dahil pambayad sa kuryente, at magme-message ang barkada noong high school para mangutang ng pampa-shot. Kahit ang mga kaopisina niya, tinatambakan siya ng trabaho dahil alam nilang hindi siya marunong tumanggi. Dahil ayaw niyang isipin ng mga tao na naging “matigas ang puso” niya o “lumaki ang ulo,” binubuksan niya ang gate niya para sa lahat ng unmanaged emergencies ng ibang tao.
Ang resulta? Siya ang na-burnout. Siya ang walang natirang savings para sa sarili niyang kinabukasan. Ang kanyang mental health at creative energy na dapat ay ginagamit niya para mag-up-skill o mag-isip ng pangmatagalang negosyo ay tuluyang niyapakan ng ingay at unmanaged drama ng iba. Noong nagkasakit siya dahil sa stress, walang sinuman sa mga tinulungan niya ang nakapaghulog ng pambayad sa ospital niya.
Apo, ang kulturang Pilipino ay maganda, ngunit ang kawalan ng boundaries ay unt-unting pumapatay sa potensyal ng ating mga kabataan at mga lider. Ang pagtulong ay hindi masama, ngunit ang infinite accessibility ay hindi kabaitan—ito ay kahangalan na sumisira sa iyong sariling bukid. Kailangan mong maglagay ng matatag na checkpoint sa iyong headspace, sa iyong pitaka, at sa iyong oras. Kapag oras ng iyong pag-aaral, pagtatrabaho, o pagpapahinga para sa iyong kalusugan, i-air-gap mo ang sarili mo. Matutong magsabi ng magalang ngunit matigas na “No” sa mga taong gustong pumasok sa buhay mo para lang manggulo at mang-ubos. I-lock mo ang gate para maprotektahan mo ang fuel na gagamitin mo para iangat ang iyong pangmatagalang legacy.